Monday, January 02, 2006

And So It Begins...

[Mahalagang Babala] : maaring masyadong mahaba ang susuonod na post para sa mga taong pangkaraniwan lang ang haba ng pasensya. Mag-ingat bago tumuloy sa pagbabasa. (Me parang summary din sa dulo ng post, kung tinatamad na talaga kayo...) Enjoy!

Sa wakas!!! eto na ang aking pinaka-aantay na "First Entry"... aka: kung para saan ang blog na ito.

Hmmm... bakit nga ba? Para saan nga ba ito???

Mahalaga para sa akin ang motibo... kaya bago ako nagpasyang gawin itong blog nato, inisip ko muna kung bakit ko ito gagawin... (sa totoo lang, naengganyo ako gumawa nang mabasa ko ang mga blog ng aking mga kaibigan, hehe)

Inisip ko muna kung bakit ba nagbla-blog ang mga tao-tao... karaniwan, ginagawang journal ang blog... para bang diary... inilalagay nila dito ang mga niloloob at nararamdaman na sini-sikreto nila. Hmmm... ganon ba ang gusto kong mangyari??? para kasing medyo malabo kapag ganon... sikret mo nga e... t'as ipa-publish mo sa web? eyng?! mag-paper-diary ka na lang diba?

Kung mga bagay-bagay na gusto mong ipaalam sa iba naman ang ilalagay mo... parang malabo... malamang sa mga malapit lang sayo mo gustong sabihin diba? Ba't ibro-broadcast mo pa? Pwede mo namang sabihin na lang sa kanila ng diretsahan... Or mebe not... Really not.

Sa mga hindi nakakaalam(malamang all of you 2 na nagbabasa ng blog kong to, hehe)... me napakagandang ugali kasi ako(paki note na lang)...

hindi ako sumasagot kapag hindi ako tinatanong...

Ang ibig kong sabihin... bihira akong magkwento ng mga (personal na) bagay kapag hindi mo ako uunahang tanungin(hmmm... baka napansin niyo na nga ito...) At bakit naman ako ganon? Aaaa... simple lang naman... kapag sa tingin ko kasi na hindi interasado yung kukwentohan ko, shadap na lang ako. No problem diba? Kaso... sa pakiramdam ko... kapag di ka naman nangungumusta, o nagtatanong... ummmm... di... ka... intresado... awright! (pano kung nahihiya kang magtanong? o kung di mo alam na me dapat ikamusta??? nice...)

So... para dun ba ito??? Hephep! Not exactly... Parang ganun lang.

Babasahin mo lang kasi ang blog ng ibang tao sa sarili mong pagpapasya. Walang makakapilit sayong makaalam ng nilalaman nito kundi ang sarili mo lang diba? Di ito katulad ng personal na kwento kung saan kapag dumadakdak na ang kasama mo, kahit gaano ka pa kawalang-kapakipakialam sa sasabahin niya, madalas wala ka nang magagawa kundi makarinig (iba ito sa "makinig"). Kaya ayun! Kung di ka intresado sa mga sasabihin ko... malamang di mo babasahin ang blog ko.

Sa madaling sabi... dito ko isusulat ang mga gusto kong ipamahagi sa inyo, ang aking mga masugit na mambabasa: mga ideya, kuro-kuro, pagmumuni-muni, reklamo, atbp. Sumusulat man ako para talaga sa sarili ko lamang(kaya huwag kayong magtaka kung medyo malabo ang mga ilalagay ko), nasa isip ko pa rin kayong lahat (all of you 2 again). Nawa'y pare-pareho tayong masiyahan, mapaisip, maliwanagan at maparamdam ng mga mumunting katha ko.

Oo nga pala... isa sa mga pinakamagandang feature ng mga blog ang kakayahang maglagay ng comments. Sana'y sipagin kayong magsulat ng kung ano mang maisip niyo na may kinalaman sa mga ipo-post ko. Siyempre interasado ako sa mga reaksyon at opinyon niyo (pwede ko naman kasing isekreto sa sarili ko diba???). Malaki ang ikatutuwa ko kapag nakiliti ko ang inyong mga isipan... at siyempre, ayos din na malaman kong me mga nagbabasa nito!!! Kaya... wag na kayong mahiya! Pwede naman anonymous comments, hehe.

Dito na magwawakas (sa wakas!), ang aking "unang" blog entry. Sa mga nakaabot pa dito sa dulo ng medyo *ahem* mahaba-habang entry na ito (at nakabasa dito ng buo), aba!!! Palakpakan niyo ang inyong mga sarili!!! Bibigyan ko kayo ng award, pramis!!!

7 Comments:

At 2:37 AM, January 06, 2006, Blogger joeness said...

ahem ako lng ata nagbasa..asan ang award??oy..the offer still stands.. ako bhala sa bsb entrance! bring a date! bring ur maid! bring ur dog!bsta bsb fan!:)

 
At 11:08 PM, January 06, 2006, Blogger StrangerInAStrangeLife said...

hmmm... tetestingin ko muna kung nabasa mo talaga yung post, hehe.
T'as, saka kita aawardan.

madali lang makahanap ng date... ang mahirap, maghanap ng date ng BSB fan... tsk-tsk...

 
At 9:01 PM, January 08, 2006, Blogger joeness said...

game ano na un testing??!! hehe hayok ako sa award! andaming bsb fan jan ayaw lng aminin!!hahaha parang eheads din un..nostalgic.haha

 
At 12:33 AM, January 09, 2006, Blogger StrangerInAStrangeLife said...

This is the test:
1.) write a 3-page essay on the nature of reality and the effects of a person's cyberspace persona(e) on the development of his social consciousness.
2.) Ilibre mo ako ng apat na bote ng corona, with matching 18" yellow cab pizza op kors, hehehe.

 
At 2:37 AM, January 10, 2006, Blogger joeness said...

yung number 1 attainable pa eh.. un #2.. hmm.. hindi ako si keng!hahahaha

 
At 12:12 AM, January 11, 2006, Blogger StrangerInAStrangeLife said...

oh well... it was worth a try...

 
At 12:59 AM, May 12, 2006, Anonymous Anonymous said...

maraming yellow cab provider bukod sa akin ah!

and besides, just por espeysyal okasyon...

 

Post a Comment

<< Home