Coaccidents
This is becoming ridiculous...
gano ba kahirap mag-ayos ng meeting para magkalinawan na sa wakas??? tignan natin kung gaano...
1. Tumawag ako last-last week sunday, tanghali. Umalis. Wala sa bahay.
2. Tumawag ako last-last week thursday, "The number you dialed is not yet in service... The number you..."
3. Nagtext ako sa pardino, wala daw ang alamid.
4. Tumawag ako ulit friday, "The number you dialed is not yet in service... The number you..." Ganun pa rin, nag-iba lang yung babae sa recording, hehe.
5. Mage-email ako dapat nung friday. Pinaghirapan kong magsulat ng masiyahin (at medyo makabagbagdamdamin) na liham. Nang ipapadala ko na, putol na internet connection sa webcaf sa trabaho dahil tapos na ang lunchbreak. San ka pa?
6. Hwebes, last week na, ala pa ring reply sa email. Tineks ko ulit ang patria adorada. Tinanong kung anong kelangan ko sa kanyang hija. Kala ko siya na ang kateks ko nung magtanong kung magkano at kung pano kami magkikita... hindi pala... wala pala ang unding (ika nga ni ranran).
7. Hwebes pa rin. Hapon. Bago pumunta sa isang salo-salo, bigla ko na lang naisipang magbakasakali. Dahil 4pm na, di na ako naligo at baka di ko pa maabutan, ganun kalakas pakiramdam kong dapat pumunta ako. Well... what do you know??? pagdating ko dun, andun siya. Iteteks na niya pala ako ng mga sandaling yun na kung pwede ay magkita na kami... Huwat a coaccidents... Sa wakas, napagusapan ding sa Monday(that's today monday!) na kami maguusap. Nga pala, lumipat na pala sila ng bahay kaya ded ang landlyn... grabe na to.
8. Monday. Kanina. Alas kwatro na e ala pa rin akong natatanggap na phone call o teks. Nanlumo na ako. Nawalan ng pag-asa. Kaya nag-DotA ako!!! Di pa ako nakakalevel 10 ke Rylai ay me naresib akong teks... eto ang nilalaman: "Uy d k n nagparamdam, nrceive m ung txt k? Bka nga d k pwd, cge". Anak ng??? (repeat after me...) Coaccidents anader! Medyo madrama pa...
Does anyone notice a pattern???
What could this mean?!
Wateber... hehe. Sabi nga ng Neocolors at SideA... Tulooooy pa riiiiin, ako.
3 Comments:
ika nga nung isang estdyante ni paolo manalo
"they were all meants to be!"
tenks mehn... it's nice to know it was meants to become.
hoy magsitulog na kayo mga lasenggo!
Post a Comment
<< Home