Pigilan mo ang pag-ikot ng mundo...
Actually (pakiramdam ko talaga sooper coño ko kapag ginagamit ko yang term na yan... but what the heck)... ang kelangan ko lang e pabagalin ang pag-ikot ng mundo, mas dramatic lang kasing title yung "pigilan mo...", hehe.
Bakit ka niyo? Bitin na kasi ang bente-kwatro oras e! Pano ba naman, sa tulog pa lang, 12 hours na kelangan ko... me trabaho pa, 9 hours (opo, nagtratrabaho po ako). Bale tatlong oras na lang matitira sakin nun para gawin ang mga gusto kong gawin... Eyng??? Pwede ba naman yun?
Lumalala ang pakiramdam na yan ngayon e, kung kelan dapat mas marami na akong "free" time dahil nabawasan na ang mga "required" aktibidades ko... Haaaay... sabi naman ng mga syentipiko, dahil sa friction ng tubig dagat, bumabagal talaga ang pag-ikot ng mundo... kaso, iilang segundo lang kada taon ang nadadagdag sa isang araw.
Maghihintay na lang ako. Target ko 30hours/day... Sabihin nating 1s per year nadadagdag... magaantay lang ako ng 21600 years (not counting yung paghaba ng bawat araw dahil sa mga taong lumipas)!!! Takte...
Hmmm... asan na kaya si superman? sa Superman 1 binaliktad niya ang ikot ng mundo para umaatras ang daloy ng panahon e... baka mapapakiusapan ko siyang pabagalin naman niya ng onti ang pag-ikot nito para humaba-haba naman ang isang araw...
(O kaya, babawasan ko na lang ang pagka-tulog-mantika ko... right, that'll happen...)
4 Comments:
o pwedeng wag ka na lang matulog. lagyan natin ng toothpick yung mga mata mo para di ka pumikit.
sabi ko nga... "right... that'l happen..."
priorities lan yan...
tignan mo ko,
hindi ako pumasok kanina!
pinili kong matulog...
das gud. di na lang ako papasok sa trabaho... i'll think about it.
Post a Comment
<< Home