Monday, May 15, 2006

Istokwermode!!!

Sa aking pagkakaalam, meron akong dalawang amazing mutant ability. Ang una ay ang abilidad na matulog ng napakahabang oras ng hindi sumasakit ang ulo pagkatapos. Nasubukan ko nang matulog ng lagpas 10 oras, bumangon para magpagaan ng pantog, at pagkatapos ay matulog ulit ng mga 10 oras pa... amazing aren't they?

Ang pangalawa ay ang aking superhuman ability na maghanap ng impormasyon sa internet. Ang tawag sa ganitong aktibidades ay web-crawling. Research, shopping, kahit ano!!!

Ayaw nyo maniwala??? Eto... kanina lang... hinahanap ko ang myspace ng isang kaibigan kasi andun yung isang mapang kailangan ko. Nakita ko na dati yun e, habang me hina-hanap akong ibang bagay. Kaso lang, nakalimutan ko yung URL. Me mga naalala akong mga salitang galing dun sa site nya kaya sinimulan ko nang mag-google. Syempre ginamit ko ang word combinations na pinakamalabong lumabas sa ibang site. Sa kasong ito, ang ginamit ko ay: "dylan oleth myspace". Lumabas agad ang hinahanap ko! (Subukan niyo i-google para makita niyo yung myspace na tinutukoy ko, hehe...)

Di ko nahanap sa site nya yung mapa, (di kasi ako member ng myspace...) pero op kors, nakita ko naman sa ibang website. Naks!

So... ano ngayon kinalaman non sa title ng post na to??? Well... I'm a gettin' there...

Minsan, dumarating ang mga panahong kung ano-ano ang naiisip kong hanapin sa net. Minsan ginoo-google ko sarili ko (eeeeew!) , mga kaibigan ko... atbp. Dahil dun sa "dylan oleth myspace" incident kanina, naisip ko tuloy na subukan ang ibang "unlikely" word combinations...

Mahuhulaan niyo ba ang mga salitang ginamit ko??? hehe... sa tingin ko hindi, pero malapit na mga hula niyo. (sinubukan ko din yung naisip niyo eh, bokya...) Well... me isang site naman kasi talaga akong hinahanap, na sa malamang ay sa imahinasyon ko lang nabubuhay (note to self: ina niya...).

Me isang interesting hit akong nakita... kulitin niyo na lang ako kung gusto niyo malaman... di pala ito yung hinahanap ko, pero malapit na. SOBRANG lapit na. parang Sabah tsaka Sulu. Isang... hmmm... kaibigan... I think... kaibigang ng iba na me nakakatawang(???) kuwento ako... needless to say, nakakita ako ng bagong jump-off point para sa aking paghahanap.

Pinagbubukas ko ang mga link na nakita ko... at habang binabasa ko ang mga kung ano-anong nakasulat sa mga kuwan-kuwan nila, unti-unti kong namalayang napakakaawa-awa ko naman pala... Isa na akong pathetic na stalker! Sa sobrang hiya, at self-pity, itinigil ko kaagad ang kalokohang ginagawa ko... uhhh... after a few sites, hehe...

Ano ba naman ang pumasok sa isipan ko? Pano na lang kung malaman ng mga tao na pinaghahanap ko ang mga blog nila samantalang pinkatago-tago nila to sa napakaeksklusibo at mapagkakatiwalaang internet... oh... but still... pathetic!!! Pero pinost ko pa talaga sa not a blog eh no? Baka matuwa kayo eh...

Kaya... kung me ipahahanap kayo sa akin... sabihin niyo lang kung ano (translation: sino), hehe.

[sa mga nabasa ko, me nakita naman akong occurance(s) nung words na sa tinging ko ay sa tingin niyo ay hinanap ko... uhhhh... get's ba??? ayos lang naman yung occurance(s), more or less... demmit!]

10 Comments:

At 2:23 AM, May 18, 2006, Anonymous Anonymous said...

ooohhh. hans gustomo mag gin pom???

 
At 1:20 AM, May 19, 2006, Blogger StrangerInAStrangeLife said...

kelan? sino? at saan? game tayo diyan!

 
At 6:33 PM, May 25, 2006, Blogger joeness said...

uhmm...si ano ba ang hinahanap mo..?? un bespren ko nung firstyear college?hehehe

 
At 3:31 AM, May 26, 2006, Blogger StrangerInAStrangeLife said...

nyah! das all in the pass na! the more current pass ang napagtripan ko, unfortunately... ina niya. hehe.

hmmm... napa-isip tuloy ako kung kamusta na yung bespren mo... ;D

 
At 8:47 PM, May 26, 2006, Anonymous Anonymous said...

hay nakoooo... :P

sa susunod na magkita tayo... MAGTATANONG AKO! humanda ka!

 
At 1:11 AM, May 28, 2006, Blogger StrangerInAStrangeLife said...

hmmm... mebe... but I donk tink so, hehe...

 
At 3:13 PM, May 30, 2006, Blogger joeness said...

my "bespren" is ok...busy being a ..hmm.. pg sinabi ko bka may makagets.hahaha

 
At 10:40 PM, May 30, 2006, Blogger StrangerInAStrangeLife said...

hayaan mo sila! wala narin naman akong dignidad eh... nyaha.

 
At 3:18 PM, May 31, 2006, Blogger joeness said...

ausus!!!ok lng un hans...la naman kay "bespren" un... hmm.. may bago kana eh...si ms.morena:)

bkt ako lagi konek mo, hans??

 
At 1:52 AM, June 02, 2006, Blogger StrangerInAStrangeLife said...

wala namang ganyanan joe! kinikilig ako eh... wehehe... ;)

 

Post a Comment

<< Home