Monday, May 15, 2006

Istokwermode!!!

Sa aking pagkakaalam, meron akong dalawang amazing mutant ability. Ang una ay ang abilidad na matulog ng napakahabang oras ng hindi sumasakit ang ulo pagkatapos. Nasubukan ko nang matulog ng lagpas 10 oras, bumangon para magpagaan ng pantog, at pagkatapos ay matulog ulit ng mga 10 oras pa... amazing aren't they?

Ang pangalawa ay ang aking superhuman ability na maghanap ng impormasyon sa internet. Ang tawag sa ganitong aktibidades ay web-crawling. Research, shopping, kahit ano!!!

Ayaw nyo maniwala??? Eto... kanina lang... hinahanap ko ang myspace ng isang kaibigan kasi andun yung isang mapang kailangan ko. Nakita ko na dati yun e, habang me hina-hanap akong ibang bagay. Kaso lang, nakalimutan ko yung URL. Me mga naalala akong mga salitang galing dun sa site nya kaya sinimulan ko nang mag-google. Syempre ginamit ko ang word combinations na pinakamalabong lumabas sa ibang site. Sa kasong ito, ang ginamit ko ay: "dylan oleth myspace". Lumabas agad ang hinahanap ko! (Subukan niyo i-google para makita niyo yung myspace na tinutukoy ko, hehe...)

Di ko nahanap sa site nya yung mapa, (di kasi ako member ng myspace...) pero op kors, nakita ko naman sa ibang website. Naks!

So... ano ngayon kinalaman non sa title ng post na to??? Well... I'm a gettin' there...

Minsan, dumarating ang mga panahong kung ano-ano ang naiisip kong hanapin sa net. Minsan ginoo-google ko sarili ko (eeeeew!) , mga kaibigan ko... atbp. Dahil dun sa "dylan oleth myspace" incident kanina, naisip ko tuloy na subukan ang ibang "unlikely" word combinations...

Mahuhulaan niyo ba ang mga salitang ginamit ko??? hehe... sa tingin ko hindi, pero malapit na mga hula niyo. (sinubukan ko din yung naisip niyo eh, bokya...) Well... me isang site naman kasi talaga akong hinahanap, na sa malamang ay sa imahinasyon ko lang nabubuhay (note to self: ina niya...).

Me isang interesting hit akong nakita... kulitin niyo na lang ako kung gusto niyo malaman... di pala ito yung hinahanap ko, pero malapit na. SOBRANG lapit na. parang Sabah tsaka Sulu. Isang... hmmm... kaibigan... I think... kaibigang ng iba na me nakakatawang(???) kuwento ako... needless to say, nakakita ako ng bagong jump-off point para sa aking paghahanap.

Pinagbubukas ko ang mga link na nakita ko... at habang binabasa ko ang mga kung ano-anong nakasulat sa mga kuwan-kuwan nila, unti-unti kong namalayang napakakaawa-awa ko naman pala... Isa na akong pathetic na stalker! Sa sobrang hiya, at self-pity, itinigil ko kaagad ang kalokohang ginagawa ko... uhhh... after a few sites, hehe...

Ano ba naman ang pumasok sa isipan ko? Pano na lang kung malaman ng mga tao na pinaghahanap ko ang mga blog nila samantalang pinkatago-tago nila to sa napakaeksklusibo at mapagkakatiwalaang internet... oh... but still... pathetic!!! Pero pinost ko pa talaga sa not a blog eh no? Baka matuwa kayo eh...

Kaya... kung me ipahahanap kayo sa akin... sabihin niyo lang kung ano (translation: sino), hehe.

[sa mga nabasa ko, me nakita naman akong occurance(s) nung words na sa tinging ko ay sa tingin niyo ay hinanap ko... uhhhh... get's ba??? ayos lang naman yung occurance(s), more or less... demmit!]

Wednesday, May 03, 2006

Lost and Found

[Kung sino man ang nakapulot ng phone ko, pakisoli naman! Wawa naman ako]

Pagkababa ko ng jeep sa IPI kanina, pauwi galing project 4, kinapkap ko ang mga bulsa ko. Dun ko napansin na wala na pala ang telepono ko.

Hinabol ko yung jeep at tinignan kung andun yung telepono ko. Ala sa inupuuan ko. Sabi nung isang mamang pasahero, nakita daw niya yung katabi kong bumaba sa citibank na me pinulot na kung anong bagay kanina, baka daw telepono ko yun. Habulin ko daw si pasaherong naka-blue...

Shuyet... ano yun, balik akong eastwood tas lahat ng naka-blue tatanungin ko kung asa kanya ba yung telepono ko??? yeeeeeryt... At low-bat na yun, kaya dehins ko na pwedeng tawagan o i-text... Umuwi na lang ako. Kung ibabalik talaga sa akin nung nakapulot yung teleponong yun, maibabalik din niya sa akin yun.

So... ano ngayon??? Wala akong telepono, ang pangunahing means of communication ko sa mga tao-tao (minsan nga mas mahaba pa nga kwentuhan with my freinds through text kesa kapag nagkikita-kita kami, whatdahell?!). Unreachable ako ngayon. Good or bad???

Nanghihinanayang ako sa telepono ko. Mahal pa man din matinong no-frills phone ngayon. At andaming alaala ang naipapaloob sa maliit na gamit na ito. Ultimo ang punong sanhi ng pagbili ko nung teleponong yun ay isang nakakatawang kwento na, althroughout college pinanindigan kong HINDI ko KAILANGAN ng cellphone. Sa huli, marami-rami din kaming napagdaanan nito...

Iniisip ko kung kukuha pa ako ng telepono. Strictly speaking, hindi ko talaga ito kailangan... meron naman kaming landline, at madali akong makontak through the net. Pero napaka-convenient nito. Maski ambush gimik, naaayos pag konektado ka... Ang tanong, eh kung me mga nagyaya ba, hehe.

Bahala na siguro.

[Pero kung gusto niyong magkaphone ako, you can send your donations to Makati PO box 3234, o kaya text niyo lang ako lagi na magphone ako ulit... uhuh-uhuh]