Friday, June 02, 2006

hApPY Birthday Rai!

Ika-unang araw ng Hunyo ang kaarawang ng aking kapatid na si Rai. Simula pa nung maliit kami, kung ano-ano na ang pinagdadaanan namin pag dumarating ang unang linggo ng buwang ito. Dahil sa magkalapit ang mga araw ng aming pagsilang, halos lagi kaming sabay magdiwang nito. Iilan lang ang naalala kong party ko lang ang party ng birthday ko.

Hindi lang yun, parang me tradition pa kaming magkapatid... isang tradition ng... kamalasan, nako! Tuwing malalapit na lang ang aming mga kaarawan, kung ano-ano na lang ang nangyayari samin. Mga disgrasya atbp. Isa sa mga hindi ko malilimutan ay nung head-buttin ni Rai yung isang gripo malapit sa court nung maliit pa kami. Siyempre nabutas ang noo niya (kaya siya me peklat sa noo, ala Harry Potter). Pero da best na siguro yung nangyari kahapon.

Ano nga bang nangyari??? Umagang-umaga, ang napakalisto kong kapatid ay nag-internet Cafe bago umuwi galing UST, kakatapos lang ng training niya sa Team B ng varsity. Di pa sila nagtatagal ng kasama niya eh bigla-bigla na lang siyang tinanong nung isang bata kung bag ba niya yung nakalapag sa tabi niya kanina. Binababa niya kasi sa sahig yung gahiganteng bag niya eh. Laking gulat ni Rai, wala na ang kaniyang bag. Kakalabas lang daw nung kumuha, kaya dali-dali niyang hinabol palabas. Pag punta niya sa kalye, walang tao... Astig talaga mga tao sa Quiapo no???

Ang lulan ng kaniyang bag... ang kaniyang pinakamamahal na Shox at perpetually-walang-load niyang cellphone. Anong gagawin ng hinayupak na magnanakaw na yun sa size 14 na rubber shoes??? Mamangka ba siya papuntang Bataan galing sa Manila Bay? Di ko na siguro kukuwento ang napakawalang-kwentang mga pulis dun sa presintong pinuntahan ng kapatid ko.

Kung yun lang sana ang happenings nung wednesday, ayos lang. But no!!! Pagkauwi ko galing UP, nalaman ko na ang Big Black Dog naming si Mitch ay nakalapa daw ng isang 8-year old na bata. Bibili sana yung bata ng Halo-halo kaya lumapit siya sa pinto namin. Lingid sa kanyang kaalaman, nakakubli pala sa halamanan ang isang katakot-takot na halimaw! Ang aming 1/4 Great Dane, 1/4th German Shepherd, 1/4th Japanese Spitz, 1/4th dikonaalam na aso. Napakalaki daw ng sugat sa kamay nung bata. Siyempre kasalanan naming lumapit sa aso namin yung bata diba, kaya pinadoktor namin siya... aba! Napaka-mura pala talaga sa medical city!!! lagpas P4,000.00 lang naman nagasta namin!!! Areko...

Siyempre, walang sapatos na gagamitin tong mokong na kapatid ko sa training, at wala na kaming pambili dahil nga nagpaospital kami ng matalinong bata... Oh yeah... Rai, Happy Birthday nga!!!

[Hmmm... pano kaya next week? Medyo kinakabahan na ako... Last year, hmmm... Masaya ba birthday ko last year??? Parang ayos lang, pero topic na ng ibang blog entry siguro yun... hehehe...]

8 Comments:

At 11:17 PM, June 10, 2006, Anonymous Anonymous said...

Sith happens. Sana wala namang masamang nangyari sa 'yo nung birthday mo. Belated happy birthday ha. Hindi na kita na-greet. I did not know how.

 
At 11:18 PM, June 10, 2006, Anonymous Anonymous said...

Kahapon ang birthday mo. Well, just want you to know na naaalala ko.

 
At 12:28 AM, June 11, 2006, Blogger StrangerInAStrangeLife said...

a = r?
n = a?
o = c?
n = s?
y = i?
m = a?
o = n?
u = n?
s = e?

istayu?

napapraning ako senyong mga anonymous e!!! :D

 
At 8:14 AM, June 11, 2006, Anonymous Anonymous said...

Do you believe that somewhere in this universe somebody wants to be with you forever but you just don't know that person exists?

Akala niya ikaw yung The One.

O ayan, mapraning ka lalo. =)

 
At 12:44 AM, June 12, 2006, Blogger StrangerInAStrangeLife said...

uhhhhh... tenks... 0_o

 
At 11:48 PM, June 15, 2006, Anonymous Anonymous said...

Magkuwento ka naman tungkol sa birthday mo. Inaabangan ko yun lagi. In fact, lagi akong nag-aabang ng updates dito sa iyong space.

Huwag kang mapraning please. Harmless naman ito. Petite crush lang.

 
At 6:19 PM, June 18, 2006, Anonymous Anonymous said...

hans baka clue yung petite!!! "peite " siyang tao hahahah :)

 
At 1:25 AM, June 19, 2006, Blogger StrangerInAStrangeLife said...

"Petite crush lang" daw eh... ako yata yung tinutukoy na petite, hehe... pero why don't we ask?

Uhhh... miss (mister??? missus??? :D) anonymous... petite ka nga ba???

btw kengdot... hmmmm... kung yung iniisip niyo ang iniisip ko... ina nya!!! wehehe...

 

Post a Comment

<< Home