Sunday, July 09, 2006

Buhay mahirap muna...

Ang current peso-yen exchange rate ay Y1.00 = PhP0.46012. With that in mind... iisipin mong mass mura ang mga bilihin dito. Biruin mo, kalahating piso lang ang one yen??? San ka pa???

But no... Binalaan na ako bago pa ako punta dito na ang mga bilihin sa Japan ay MAHAL. EXPENSIVE. Ang relation na pinangexplain sa akin ay ganito. Kung sa pilipinas ang Japanese food ay aabot ng mga P500 per meal... Dito... ang normal meal ay aabot ng P500 pesos din... ouch-simas...

Mag-lista tayo:

1.5L Mineral Water: Y155 = P71.30
Big Mac Meal: Y580 = P266.80
2kg Rice: Y980 = P450.80
Tempura Bowl: Y1000 = P460.00
Mukha ni hans ng ma-experience niya ang street fashion ng Japan: PRICELESS

Hay... Allergic pa naman din akong sa gastos... Yun nga lang... nung puntong nalaman ko pa lang na pinapadala kami sa Japan para sa trabaho, isa agad ang tumatak sa isip ko... "Ang Ibanez ay ginagawa sa Japan"... Naka-tingin na ako sa Ochonimizu (aka: Guitarist Heaven)... Medyo mas mura siya kesa sa Pinas, pero talagang mas maraming choices. Yaha! JS1200 here I come!

Mabigat nga lang ang kapalit... sobrang kailangan kong magtipid sa lahat... Yung isang kasama ko dito, naubos ang Per Diem allowance dahil binili niya itong laptop na ginagamit ko ngayon... Kinalilangan niyang gamitin ang isang Excel spreadsheet para ma-budget ang pera niya hanggang July 21. Lahat, ultimo waldas days, naka-schedule na, hehe... Mukhang mapapagaya ako sa kanya... Magsasama kaming magbubuhay mahirap muna...

Tuesday, July 04, 2006

Baggage

Alas-tres y media na...

Whooo... kakauwi ko lang. Ang mga superfriends kasi eh... Na-summon ako agad. Pagkatapos-na-pagkatapos kong mag-empake, pinalayas ako agad at pinapunta sa katips... masakit pa likod ko at pawis-paws eh.

Tamang-tama, alas-nuebe ang flight, dapat alas-syete asa NAIA na ako... so dapat aalis kami dito ng 5AM... ayus.... kaya yan, hehe. para saan pa ang adrenalin.

ang hirap kapag likas kang "pack-rat"... kulang na lang, dalin ko yung aparador ko... bad trip... 20 kilos lang ang limit sa check-in luggage, pero pakiramdam ko 30 kilos na yung bagahe ko... shuyet! ano kayang tatanggalin ko??? di pa kasama dun yung backpack kong approximately 7 kilos (di ko naman kinilo eh no???)... kinailangan ko pang iwan yung sosy kong water-bottle, 700g na Bear Brand, at sangkatutak na pangkain.

Ay-yah!

More or less... essentials ko lang dala ko... tulad ng "Man and Superman", Pen kit, sketchpad, studs, bola... etc... nyaha... ano ba yan...

Excess-excess na ang bagahe ko!!! Pero me upside naman yan... dahil hindi na kasya ang emotional baggagePhotobucket - Video and Image Hosting, iiwan ko na siya sa pilipinas... sana pagbalik ko, wala na siya, hehe... mga pabigat sa damdamin, hindi na dapat dalhinPhotobucket - Video and Image Hosting . Hmmm... wait... baka yun talaga ang nagpabigat ng maleta ko... neeeeeeeeh... hehe.

(hmmm... bati naman ata tayo... more... or less... i think)

Wish me luck! Malamang dito ko na lang kayo makahalubilo, prens en countrymen. Fare you well, and fare me well.